Kadalasang Tanong

Mga tanong tungkol sa MiFi


Anong ang MiFi at paano ito i-pronounce?

MiFi is short for Migrant Finance Corporation, bahagi ng MiFi Pte Ltd at sister company ng Providers Singapore. Rehistrado kami sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa ilalim ng Registration No. 2024100175002-06, na may Certificate of Authority No. F-24-0092-55. Mayroon din kaming valid City of Makati Business Permit No. 37870 at rehistrado sa BIR sa TIN 663-526116-00000.

Sa higit sa isang dekadang karanasan ng aming grupo sa pagtulong sa mga OFW, naiintindihan namin ang hirap at hamon ng buhay sa ibang bansa. Patuloy naming gagabayan at susuportahan ang iyong pamilya patungo sa mas maginhawang bukas.

Ang MiFi ay pronounced as “My-Fai,” katunog ng Wi-Fi (na binibigkas na “Wai-Fai” o “Why-Fai”). Pareho lang ang tunog, pero “Mi” lang ang gamit imbes na “Wi.”

Ano ang bagong produkto ng MiFi?

Ang MiFi ay isang bagong paraang makakuha ng mabilis na pautang na cash para lamang sa mga Provider customers at mga kaibigan nila na nasa Singapore

Para kanino ang MiFi?

Hangad ng MiFi na maituring na maaasahan at mapagkakatiwalaang katuwang ng mga OFWs para sa lahat ng kanilang pangangailangang pinansiyal.

Pero sa ngayon, ang priority ay mga Provider customers at mga kaibigan nila na nasa Singapore na nangangailangan ng maasahan solusyon para tulungan ang kanilang pamilya sa Pilipinas sa mga kritikal na gastusin na pang-school, pag may sakit, pang-renovation ng bahay o maging puhunan sa maliit na negosyo.

Paano makakatulong ang MiFi sa mga OFW at kanilang mga pamilya?

Mapapagaan ang bawat pangangailangan sa pamamamagitan ng mabilisang mahuhugutan ng pondo para sa:

Pambili ng plane ticket papuntang Pilipinas kasama na din ang mga pampasalubong

Karagdagang pang-gastos ng pamilya: Handaan sa birthday, Pasko o anumang espesyal na okasyon na kailangan ng extra budget

School o medical: Laging may mahuhugot kapag may bayarin sa iskwela o biglaang emergency

Pagpapaayos o pagpapaganda ng bahay mas lalo na kung dahil sa pinsala ng bagyo at lindol

Maliit na negosyo ng kapamilya: Suporta para magsimula o pang dadag kapita sa negosya sa Pilipinas

Sa bawat sitwasyon, siguradong MiFi ay maaasahan.

Anong kailangang malaman sa pag-utang?


Ano ang pinakamataas na halaga na puwede kong mahiram?

Generally, maaaring mag-request ng loan mula ₱20,000 hanggang ₱50,000.

Pero pwede rin na sabihin nyo sa amin ano yung kayang nyong huluagan buwan buwan para ma-compute naming yung halagang pwede ninyong makuha. Gusto namin na ang utang niyo ay sakto lamang sa inyong kailangan.

Kasi, ang approval ng loan ay nakadepende sa: (1) layunin ng loan, (2) kumpletong dokumento, at (3) record ng pagbabayad sa “Provider.” Ipapaliwanag ng aming MiFi advisor kung magkano ang maaari ninyong makuha kapag nakausap ninyo sila.

Ano ang repayment terms o gaano ka tagal ang pagbabayad?

Flexible ang schedule ng bayaran, depende sa inyong kakayanan—mula isa (1) hanggang labindalawang (12) buwan.

Ano ang monthly interest rate?

Ang add-on monthly interes rate ay nasa pagitan ng 3% to 3.9%; maging mapanuri dahil karamihan ng ibang nagpapautang ay nag-cha charge ng daily interest (hindi MONTHLY!) kayat lumabas na mas mahal at umaabot hanggang 4x ang kanilang interest kumpara sa atin. Bukod pa dyan, yung interest na pinapatong ay naka-base sa loan amount na hindi kinaltas yung processing fee.

Halimbawa, gusto ninyong mag-loan ng Php30,000 at bayaran ito sa anim na buwan. Ang interest ay Php6,300 lamang samantalang sa kilalang lender dahil daily rate ang interest, aabot yung babayaran ninyo ng Php27,000! Mahigit sa 4x ang magagastos niyo – parang na rin bumili kayo ng bagong phone.

Mag-iiba ang interes depende sa piniling repayment terms o sa tagal ng pagbayad, at sa nakaraan nilang naging payment behavior kung mayroon. Kapag naaprubahan na ang loan, sasabihin ng iyong MiFi advisor ang interes, kaukulang fees, at ang buwanang hulugan sa halagang PHP at SGD.

Ano pa ang ibang fees na sisingilin?

Mayroon lang isahang processing fee - depende din ito sa halaga ng utang mo. Kailangan mo itong bayaran sa Singapore pagkatapos ma-approve ang loan, bago maibibigay ang loan niyo sa Pilipinas.

Kung hindi matuloy ang loan, walang kailangan bayaran.

Halaga ng utang Isahang Processing Fee
Up to PHP 20,000 S$20
PHP 20,001 to PHP 30,000 S$30
PHP 30,001 to PHP 40,000 S$40
PHP 40,001 to PHP 50,000 S$50

Ang kagandahan nito, yung processing fee ay hindi kinakaltas sa loan; buong halaga ng loan ang inyong makukuha. Di tulad ng iba, kinaltas na ang processing fee, pero yung monthly interest rate naka base pa rin sa buong loan amount na may processing fee.

Kung sakali lang ma-late ang inyong buwanang hulog, mayroon din karagdagang fee na kailangan bayaran.

Bilang ng araw na delay ng hulog Delayed Payment Fees
1-14 days PHP 800
15-30 days PHP 2,500
Every 30 days Additional 2,500

Gaano ka dali ang pag-apply ng loan?

Sinadyang gawin abot-kaya at madali ang proseso ng pag-apply ng loan, lalo na sa mga OFW na dati nang Provider customer at may maayos na record.

Mag-send lamang ng message sa Whatsapp Para maka-chat ang aming MiFi advisor.

Paano ang pagbayad ng monthly payment?

Para madali sa inyo, automatic na ibabawas ang bayad sa loan mula sa SGD account mo gamit ang special rate. Ipa-aalam namin sa inyo ang estimated na buwanang bayad sa SGD amount para mas madali ang pag-budget mo.

Kung sakali may sumobrang monthtly payment (dulot ng foreign currency exchange), ibabawas namin ito sa huling bayad ng loan mo bilang last payment discount.

Sino ang puwedeng mag-apply at paano ang processo?


Sino ang pwedeng mag-apply para sa loan na ito?

Kung mayroon ng maayos na record sa 'Provider' mas madali na makakuha ang approval sa loan.

Sa ngayon, ito ay para lamang sa mga Provider customers at mga kaibigan nila na nasa Singapore na nangangailangan ng maasahan solusyon para tulungan ang kanilang pamilya sa Pilipinas sa mga kritikal na gastusin na pang-school, pag may sakit, pang-renovation ng bahay o maging puhunan sa maliit na negosyo.

Paano ako makaka-apply?

Madali lang, i-click lamang ang “to apply”button. Dadalhin kayo sa Facebook Messenger chatbot at sagutin lang ang mga katanungan.

Anong mga dokumento ang kailangang ihanda bago mag-apply?

Para mabilis ang proseso, ihanda ang mga sumusunod na dokumento at impormasyon:

  1. Singapore work permit 

  2. Isang Government ID (e.g. passport, driver’s license, National ID, SSS/GSIS, PRC ID, o PhilHealth ID)

  3. Katibayan ng billing address sa Pilipinas  (e.g. utility bills na nakapangalan sa inyo at may address sa Pilipinas)

  4. Detalye ng inyong account kung saan ipapadal yung loan amount

Paano kung gusto kong bayaran ng maaga ang aking loan? Makakakuha ba ako ng discount?

Maaari mong bayaran nang BUO ng mas maaga ang iyong loan, prepayment fee na PHP 1,000 o 2% ng natitirang utang (kung alin man ang mas mataas)at ibabawas nating ang discount niyo sa interest

Tutulungan ka ng MiFi advisor para dito.